Nag-iinit sa ‘Dubai’

October 11th, 2005 by booboos

“Dubai”

maka bagbag- damdaming pelikula. aga muhlach. claudine baretto. john lloyd cruz. rory quintos

I. akting/ epek

Sa pelikulang ito ko lamang lubos na napagtanto na kupas na ang maningning na taon para kay aga. Kung muli kong babalikan ang kanyang mga nakalipas na pelikula, mahahalatang iisa ang estilo ng kanyang pag atake sa iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan. Magmula sa pagyakap sa imaheng pa-cool na pretty boy na happy-go-lucky, sa pag-iyak at pagka galit na may halong gigil at hindi mo mawaring kahihinantnan na pagkatulala sa eksena, hanggang sa paglabo ng pokus ng kanyang akting dahil sa pagkalat ng emosyon, isang salita lamang ang maaring maglahad ng kabuuan n’yang pagganap: Nakakasawa.

Nais kong awatin si john lloyd sa kapansin-pansin n’yang pagsunod sa yapak ni aga.

Eto pang isa, bakit si Claudine? Ekstra na maituturing ang papel na ginampanan n’ya sa pelikulang ito. (Niloko pa ang mga tao sa pagpantay n’ya sa billing ng pelikula). Marami ang nagtanong, bakit ang-chaka ni Claudine dito? Ang papel na kanyang ginampanan: isang babaeng nalosyang, nabuntis at naguluhan kaya’t umuwi na lamang sa Pilipinas. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi sa pilit n’yang pagluha at napakanipis na paglapat ng buhay sa isang napakahalagang karakter. At sa bawat eksenang kailangan n’yang mag sando, nakalulunod sa kamera ang nag-uumapaw at tila puputok n’yang hinaharap. (Sobra naman kasi, pabawasan mo kaya? Pahingi kami.) Hekhek

II. istorya

Kahit gasgas ang storyline, maaari pa sanang mapalampas ang pelikulang ito kung hindi nakaliligaw ang pokus ng istorya, kung akma ang pagpili sa mga bidang karakter, kung wala ang mga nagsisi-habaang monologue at hindi naging tila pambata sa bait ang ginawang katapusan. Bukod sa pagsasayang ng lahat ng pwedeng masayang sa produksyong ito, sana naabo na lamang sa sunog o ninakaw ang isang milyong pisong ginastos sa pagbalik sa Dubai, para gawin ang huling eksena ng pelikula. Isa itong maituturing na napakalaking katangahan ng Star Cinema, higit lalo ng direktor na pilit isinulong ang kababawan at inaasahang konklusyon ng istorya. Marahil ay naduwag na makipagsapalaran sa naiiba at makatotohanang liko at pagbabagong direksyon ng pelikulang Pilipino.
(Gising! Hoy, Rory!) Bakit pa kailangang buhayin si john lloyd???
At nakupojoskopo! Ang ending:
masayang naghabulan sa tabing-dagat ang dalawang bidang lalaki!

Put@&*^+#!^*>:&*$%*!!!

II. atibapa.

Akala ko mainit sa disyerto, bakit hindi man sila pinapawisan kahit konti?
Magkano kaya ang ibinayad sa pag-ekstra nina Ana Capri at Dimples Romana?
(Sa kwarto ni john lloyd, gusto kong isigaw :
« Oo na ! Gets ko, Canada nga ! »)

HUSGA: Grrrrrrrrrr.
GRADO: *

Legend:

xxxxx - rak en rol! :)
xxxx - oks na oks. sana lang kasama mo si ‘tu tut’ ;)
xxx - keri lang. walang epekto. :I

xx - sayang sa pera at oras. sana nag- videoke ka nalang. :(
x - buong buhay mong pagsisisihan ang panonood ng pelikulang ito. :&

sana’y maghintay ang walang hanggan

October 3rd, 2005 by booboos

Doon ka, dito ako
Hindi magkatagpo
Tawag ko’y di marinig bat kay layo mo
Lapitan man ay di mo matanaw
Bingi’t bulag sa akin ay walang pakiramdam
Sayang na pagmamahal
Paano ng pag-ibig kong walang hanggan

Sanay maghintay ang walang hanggan
Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal
Baka ko matutuhan kita’y kalimutan
Baka pangako ko’y dumating sa kailanman
Sanay maghintay ang walang hanggan
Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
Subalit kong paglimot ay di mapigilan
Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay

Narito ang puso kong inilaan sayo
Pagod na nanginginig baka magtampo
Naghihintay ang labi kong uhaw
Handog nito’y ligayang di mapapantayan
Sayang na pagmamahal
Parang hangin lamang sa iyo’y nagdaan

Sanay maghintay ang walang hanggan
Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal
Baka ko matutuhan kita’y kalimutan
Baka pangako ko’y dumating sa kailanman
Sanay maghintay ang walang hanggan
Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
Subalit kong paglimot ay di mapigilan
Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay…
:(

ma re- ‘red eye’ ka sa inis at.. sige, konting tawa.

September 17th, 2005 by booboos

"Red Eye"

nakapipigil-hiningang pelikula.rachel mcadams.cillian murphy.wes craven.

I.   akting/epek

Umpisa pa lang, masusuya ka na sa kahilawan ng akting ng mga bida, lalo na ang bidang lalaki na walang pinagkaiba sa pagganap ng dalawang magkaibang karakter mula simula, hanggang wakas ng palabas.  (At bakit wala man lamang s’yang tinamong sugat/ gasgas, gayong lahat na halos ng maiibabato, ay naibato na sa kanya at lahat halos ng maihahampas ay naihampas na sa kanya??)

Ang bidang babae naman ay kakikitaan ng bahagyang pagkalunod sa kanyang karakter habang pilit na sinusubukang magmukhang kalunos-lunos sa bawat eksenang kinakailangang magmukha s’yang kaawa-awa.  (Huwag nating kalimutan ang nag-iisa at napakaliit na sugat na kanyang natamo, resulta ng pagkakabangga ng kanyang minamanehong kotse).

II.   istorya

Malabnaw… tila lugaw na walang sahog.  Malamya ang pagtahi sa istorya.  Hindi masyadong pinag-isipan kaya’t maraming butas ang karamihan sa mga eksena.  Isang tipikal na pelikulang kano na iduduyan ka lang sa animo’y sunod-sunod na kakaba-kabang mga eksena at biglang tapos na dahil kailangan nang matapos.

III.  atibapa.

Ang tagal dumating ng mga pulis.  Talagang kinailangan munang mamatay ng kontra-bida bago marinig ang sirena ng mga hagad.

(Ay, Philippine setting pala ito!)

HUSGA:  Mali ang genre. Komedya pala ito. 

GRADO: xx

Legend:

xxxxx   -   rak en rol! :)

xxxx    -   oks na oks. sana lang kasama mo si ‘tu tut’ ;)

xxx     -    keri lang. walang epekto. :I

xx       -    sayang sa pera at oras.  sana nag- videoke ka nalang. :(

x        -    buong buhay mong pagsisisihan ang panonood ng pelikulang ito. :&